Happier

How do i start this blog if my topic is “HAPPIER” they said, its your choice to be happy.. yes everyone wants to be happy.. but sometimes some of us just only pretend to be happy to cover up the pain they felt inside..

Late night thoughts

“Sana sa una palang pinaramdam mo na”

“Sana nung una palang, hindi ka na lang nangako” 

“Hindi ako magbabago, in six months babe, madaming pweding magbago, Pupuntahan kita doon, I love you so much! I miss you, hindi ako titingin sa iba”

~Yan yung mga sinabi mo bago magbago ang lahag sa atin.. Yan yung mga salita na hanggang ngayon, pinanghahawakan ko parin.. Pero kailangan ko na sigurong bitawan para makalimot narin.. 

Doon sa sinabi mong hindi ka mag babago.. Nagbago ka higit pa sa buong akala ko. Itsura mo, pananalita mo, ugali mo, buhok mo at pagmamahal mo sa ‘kin. 

Tama ka, in six months madami nga nangyari.. (Yung 6 months na yun, eto yung time na nag training ka sa pag susundalo mo) ang dami nga nagyari at nagbago sayo. 

Nag abroad din ako nun, at sabi mo pupuntahan mo ‘ko sa bansang ‘yon.. Kaso bigla nagbago isip mo at dumami ang dahilan mo.. Siguro tinamad kana at natakot dahil sa middle east ako nag ttrabaho. Nalungkot ako nun dahil umasa ako na pupuntahan mo ‘ko. Pero umasa lang pala ako. 😐

I love you so much! Yan lagi ang sinasbi natin sa isat isa simuka nung naging tayo.. Pero sabi ko nga, dahil binago na lahat sayo ng pagsusundalo mo ang buhay mo, yung salitang i love you so much mo, parang words nalang na sinasbi mo.. Hindi ko alam.. at ayaw kong isipin na meron ka nang ibang sinasabihan ng salitang yan. 

I miss you, din sabi mo.. Pero ni hindi mo makuhang tawagan ako ng video call para makita ako.. Kahit 1 minuto, okay lang makita ka lang.. Pero sabi ko nga nagbago ka na talaga.. Dati ma missed mo lng ng half day ang mukha ko mag rerequest kana magsend ako ng picture ko *selfie* tapos skype pa tayo. Hindi mo ba na mimis ‘yon? 

Naalala ko pa, sabi mo enough na ‘ko sayo kaya hindi kana titingin sa iba.. Pero kalaunan, kaya pala yung init mo biglang nanlamig sa akin, may pinagiinitan kang iba.. 🔙sana eto, mabura na sa isipan ko yan at maka move on na ako.. 

Alam ko hindi na babalik yung dating ikaw dahil nilamon kana ng systemang sundalo at systema ng mga BI mong kaibigan. 😅😝✌ Lol. 

Hindi naman ako nagsisisi na minahal kita.. Tinanggap ko parin yon kasi mahal kita.. Yun lang sa pinaparamdam mo sa akin ngayon, parang iba.. Wala na yung dating lambing natin sa isat isa.. Prang normal nalang tayo na mag kaibigan o magkapatid..  

Ilan bwan paba bago kita makasama? Makakasama ba talaga kita? sana hindi na maulit yung nangyari.. ~God will guide us till the end.. ❤

Morning thoughts.

Naiwan ka na ba ng eroplano? Yung tipong hindi mo alam yung gagawin mo kasi akala mo mag isa ka nalang. Happened to me, nung pauwi ako from UAE to Philippines.. Naiwanan ako ng eroplano kase nagpabaya ako sa oras.. Naging panatag ako kase alam ko hindi naman ako maiiwan eh. Pero, naiwanan parin ako. Na stock kase ako sa immigration, hinahanapn nila ako ng cancellation paper, which I’m not inform na kailangan pala ‘yon. Kase akala ko yung stamp sa visa ko ok na. Pag dating ko sa gate ng eroplano na sasakyan ko, wala na.. Tanging buntot nalang ng eroplano ang natanaw ko.. Nakaramdam ako ng lungkot kase, panigurado gastos na naman ‘yon. Wala na akong pera kundi yung naka tago na 200 aed sa wallet ko dahil pinadala ko na sa pinas yung pera ko. Naiiyak na ‘ako that time… Yung feeling na broken hearted ka, yung parang iniwanan ka ng jowa mo ng walang dahilan at walang pasabe. Ganun yung feeling… Iniwanan ka sa ere. Buong akala ko, ako lang yung naiwan. Pero mabait talaga si Lord, because he will never let you alone in times of trouble.. Dalawa pala kaming naiwan. Hehe. Natuwa naman ako that time kase may kasama na ‘ko. Nag pa rebook ako ulit ng ticket ko, yun nga lang 8 hours ang lay over sa hongkong. Heto na naman ako. Naiiyak na naman.. Hindi lang sa Gutom na ko nun, kundi nakakabutas ng bulsa. 😭😭😭 Nag try ako lumapit sa BF ko.. Pero imbis na icomfort ako, ang dami nya pang sinabing masasakit na salita at nainsulto pa ako.. Una Nag chat ako sa kanya ng “Na iwan ako ng eroplano, Wala na akong pera para makabili ng bagong ticket” Sagot nya “O shit/fuck yata yun? Basta may mura syang sinabi nun, and he added, Bakit ka naiwan? Pwede mo naman i refund ang ticket mo” Yung feeling na nagparamdam kana sa kanya na need mo ng tulong nya, hindi ka parin nya ma gets. Hindi ko na sya nireplyan, ang tinawagan ko ang boss ko. Nagbakasakali ako na baka itong tao na to matuungan nya ko. Well God is Good.. Pinautang ako ng boss ko para maka biling bagong ticket. Grabe, 12k din yon ha 😭😐 Pero mabait si Lord.. Pag dating ko sa Hongkong, Nagchat ulit ang bf ko ng “Kumusta kana jan?” Ang buong akala ko concerned na concerned sya sakin that time. 😂 Sagot ko “Okay lang. Wala na akong pera, 8 hours ako dito napadala ko na pera ko sa pinas” Later on sumagot sya.. hindi ko expect yung sinabi nya.. Kasi alam ko hindi naman sya ganun before.. Sagot nya “Fuck! Nagttravel ka wala kang kapera pera?! You want some???!” Alam mo yung feeling na hindi mo alam yung isasagot mo dahil ganun ang reply nya. sabi ko nalang “Hindi. Di ko kailangan pera mo.” And he didn’t reply my message that time. Honestly all i want from him is his, concerned.. And if how he comforts me when I’m in trouble.. Pero hindi eh.. I felt like i was so degrade by the person i care.. When i was in HK. Me and ate, yung kasama kong naiwan, nag decide kami na ipapalit yung pera namin ma dirhams to hk $ para makabili ng food. Luckily and blessed talaga ako.. After ko maka chat bf ko nun, Sabi ko kay Lord, “Lord 8 hours po ako dito, yung taong akala ko tutulong sakin, ni reject po ako. 😭 Kayo na po bahala Lord, I have 200 aed left in my wallet” Maiyak iyak ako nun sa Banyo.. Lunch na gutom na kami ni ate at bumili kami ng food. Grabe!! Ang mahal ng bilihin don.. Feeling ko di aabot ang pera ko. Huhu. But God said.. “Trust me” Namahalan kami sa tubig, so nag decide kami na maghati nalang ni ate.. Pero wow po! As in sobrang galing ni Lord!! He never make us Hungry and thirsty.. Eto pa ang Good news.. Ang dami ko pang sobra dun sa pera ko. :):):) Pag dating ko sa manila, agad ko niyakap mama ko and naiyak.. Siguro sa pagod na din at Sama ng loob. Lol haha and syempre na miss ko sila.. 

Ang hirap maiwanan no.. Ang hirap pag pinaasa ka.. Yung sabi nila hindi ka iiwan pero iiwanan ka pa rin nila.. Nagpabaya ka kase sa oras eh. Kung napa aga ka lang hindi ka maiiwan. Walang, ibang sasakay sa eroplano mo kung hindi ka naging panatag. E wala.. May sumakay na iba, kaya iniwanan ka.. 😉 Ang sakit diba. Haha.

Lesson: Maging maaga sa airport hahaha.. Wag maging pabaya sa oras. At Mag save ng pera sa ATM para anytime may madukot ka.. Wag aasa sa iba dahil, sarili mo lang ang makakatulong sayo. Magdasal ka lang.. Madaming gagamitin na tao si Lord sayo. 🙂 Wag kang masyadong aasa o mag aasume sa mga taong akala mo makakatulong sayo. 👌
By the Lord’s grace. Pinadama ni lord ang presensya nya nung iniwan moko ai nung naiwan ako ng eroplano.. Totoo pala yon, pag nagtiwala ka sa kanya lahat magiging maayos. 🙂 Hindi ako iniwan ni Lord at pinabayaan mag isa.. Hindi rin nya ako hinayaan magutom.. Sobrang buti ni Lord. ❤:)😘👌